Hugot ni Bestfriend

Hugot ni Bestfriend



Hugot I

Girl: Pwedeng pakopya ng notes? Absent kasi ako nakaraan..

Boy: Sure. Kaso maliit yung sulat ko.

Girl: Di yan. Ok lang. Thanks. *binuksan yung notebook* Ang liit naman ng mga sulat mo. Hindi ko mabasa.

Boy: Sabi na sayo.

Girl: Bakit lumiit na ang sulat mo?

Boy: Nadamay nung nanliit yung pagkatao ko. Nung hindi mo mabasa yung feelings ko.

Hugot II

Girl: Naiwan ko yung payong ko. Pwedeng pasabay ulit hanggang sa tricykelan lang?

Boy: Sure. Kaso maliit yung payong ko.

Girl: Ok lang yan siksikan na lang kesa mabasa. *binuksan na ang payong* Ang liit naman nitong payong mo? Pang-isang tao lang ata ito.

Boy: Sabi na sayo.

Girl: Nagpalit ka na pala ng payong. Dati pang dalawang tao lagi yung dala mo.

Boy: Oo. Parang status ko. Pang single na lang ngayon.

Hugot III

Girl: Uy taho! Gusto mo? Libre kita.

Boy: Sure. Pero yung arnibal ko ipalagay mo na lang sayo.

Girl: Ha? E anong lasa ng taho mo niyan?

Boy: Matabang.

Girl: Nasubukan mo na?

Boy: Oo. Kasing tabang ng pagtingin mo sa akin kahit binibigay ko na lahat ng sweetness.

Hugot IV

Girl: Nakatanggap ako ng love letter galing sa kanya? Totoo kaya sinasabi niya? Ipabasa ko sayo bukas then give me some payo ha?

Boy: Sure. Pero wag kang magagalit kahit anong ipayo ko.

Girl: Ok! Basta be fair. Wag mong ipagkakalat ha?

Boy: Oo. Di ko ipagkakalat.

Girl: Promise?

Boy: Oo promise. Feelings ko nga di ko maikalat sayo. Yung feelings niya pa kaya para sayo.

Hugot V

Girl: Badtrip! Naubusan ako ng ticket sa concert! Pwedeng akin na lang yung ticket mo? Tutal ilang beses mo na nakita si Chito.

Boy: Sure. Pero bayaran mo ha.

Girl: Oo naman. Lagi naman ako nagbabayad di ba?

Boy: Oo.

Girl: Bakit parang wala kang tiwalang magbabayad ako?

Boy: Pagdating sa pera oo. Sa feelings hindi.

Hugot VI

Girl: Kami na!!! What a wonderful day!!! Sinagot ko na siya. May forever naman diba?

Boy: Sure na may forever.

Girl: Ikaw kelan ka magkaka-girlfriend?

Boy: Kapag may katapusan na ang forever.

Hugot VII

Girl: Uy si mamang fishball!! Gusto mo? Libre kita.

Boy: Sure. Pero wag mo isasawsaw ha.

Girl: Ha? Oo alam ko na kung bakit ayaw mo sa matamis pero kahit sa maanghang na maraming sibuyas at sili ayaw mo pa rin?

Boy: Oo, ayaw ko na.

Girl: Sure ka?

Boy: Oo. Ayaw ko na makisawsaw. Yun kasi ang source ng sakit.


Hugot VIII

Girl: Paano pumuntang EDSA Cubao? May interview ako bukas. Baka maligaw ako.. Pwede mo ako samahan?

Boy: Sure. Pero di na siguro kita maaantay matapos.

Girl: Ha? Paano ako uuwi niyan?

Boy: Sakyan mo lang pabalik yung mga sasakyan natin. Or taxi.

Girl: Mahal mag-taxi. Antayin mo na ako please?

Boy: Oo na. Aantayin na kita. Wag lang sana kasing tagal ng  pag-aantay ko sa puso mo.

Hugot IX

Girl: I’m engaged! Nag propose na siya sa akin. You’re invited sa dinner bukas. Punta ka ha?

Boy: Sure. Pero baka dumaan lang ako.

Girl: Ano ba yan? Dadaan ka lang at di ka magtatagal?

Boy: Oo. Hindi na siguro dahil I have a meeting bukas nang umaga e.

Girl: Sayang naman kung dadaan ka lang

Boy: Ok lang yan. Minsan kailangang bumalik na lang kaagad pag sarado na ang daan.

Hugot X

Girl: Uy asan ka na ba?

Boy: Nasa bahay naglalaba.

Girl: Hindi ka pupunta sa kasal ko?

Boy: Di na siguro.

Girl: Hindi ka bubulaga sa pinto at sisigaw na ‘Itigil ang kasal’?

Boy: Bakit ko naman gagawin yun? Wala naman akong gustong ibang makita kundi makita kang masaya.

Girl: Wala lang. Baka lang magbago ang isip mo.

Boy: Hindi na magbabago ang isip ko. Feelings mo nga para sa akin hindi ko napabago e.

Ending (After 8 years)

Girl: Nahuli ko siyang may ka-text na iba. May 2 anak na pala siya sa una niyang nakasama. Ang sama ng loob ko. Kundi lang sa anak naming 5 at 7 years old nagpakamatay na siguro ako. Ikaw kasi e.

Boy: Ako? Bakit ako?

Girl: Hindi mo tinigil ang kasal.

Boy: Sorry.. Nahuli ako ng 1 minute at 32 seconds..

Metaporista (27-10-2016)

Lahok para sa Saranggola Blog Awards 8




Leave a Reply