Marcos sa Libingan ng mga Bayani

Marcos sa Libingan ng mga Bayani

Balikan ang nakaraan. 

Di maililihim na maraming namatay noong martial law.

Pero ang issue ngayon, ang paglibing kay Pres. Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Una sa lahat, respeto sa mga namayapa noong martial law, hacienda luisita, SAF 44, Yolanda, Cherry hills atbp.. Ang post na ito ay sariling opinyon at walang intensiyon na makapanakit ng damdamin.

Libingan ng mga Bayani


Ang dating pangalan ng LNMB ay Republic Memorial Cemetery. Pinalitan ni Pres. Ramon Magsaysay ang pangalan noong October 27, 1954.

Nakasaad sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Regulation G161-373 at EO 131 ni FVR ang mga taong pwedeng mailibing dito:

  • Medal of Valor Awardees;
  • Presidents or Commanders-in-Chief, AFP
  • Secretaries of National Defense
  • Chiefs of Staff, AFP
  • General/Flag Officers of the AFP
  • Active and retired military personnel of the AFP
  • Former AFP members who laterally entered/joined the PNP and the PCG
  • Veterans of Philippine Revolution of 1896, WWI, WWII and recognized guerrillas.
  • Government Dignitaries, Statesmen and other deceased persons whose interment or reinterment has been approved by the Commander-in-Chief, Congress or the Secretary of National Defense.
  • Former Presidents, Secretaries of National Defense, widows of former Presidents, Secretaries of National Defense and Chiefs of Staff.
  • National Artist and National Scientist of the Philippines

Pero mayroong kategorya para sa disqualification.

  • Personnel who were dishonorably separated/ reverted/ discharged from the service; and,
  • Authorized personnel who were convicted by final judgment of an offense involving moral turpitude.

Ok para maging eligible ka dapat isa ka sa mga nasa listahan. Pili tayo ng isa para masabing eligible si Pres. Marcos.

  • Naging Pangulo siya ng Pilipinas

Ooops. Wait. May kategorya para sa disqualification. Di kaya disqualified siya dahil dun sa dalawang kondisyon?

Basahin ang paliwanag mula sa

Thinkingpinoy.net

First, on Dishonorable Discharge

Unfortunately for Martial Law victims, Marcos was never dishonorably separated, reverted, or discharged from the service, as such would have required Marcos to undergo a trial, something that never happened. 
If Marcos was court-martialed [MCTC DLSU] that resulted in his dishonorable separation, reversion (demotion), discharge from AFP, the AFP would have been forced to remove him from their Hall of Heroes, which is not the case [Star].
In short, the first ground for disqualification does not apply in Marcos’ situation.
Second, on Moral Turpitude

Marcos and his family immediately flew to Hawaii at the height of the 1986 EDSA Revolution [CNN], where he died in exile three years later in 1989 [NYTimes]. He was still the president at that time time, and was thus enjoying immunity from suit. 
Now, it can be argued that Marcos lost the presidency when Corazon Aquino was made president in 1986, so Marcos could have been tried for moral turpitude, right?
The problem, however, is that “Philippine law forbids trial in absentia in criminal cases” [NYTimes], so there could not have been any trial, much less a Final Conviction from the Supreme Court. Trial in absentia means the conduct of a trial in the absence of the accused [Duhaime]. 
The New York Times, however, was not very accurate in that statement. 

Article III, Sec. 14(2) of the 1987 Constitution reads:

“In all criminal prosecutions… after arraignment, trial may proceed notwithstanding the absence of the accused provided that he has been duly notified and his failure to appear is unjustifiable.”

Now, suppose someone actually did try to sue Marcos back then, would “I can’t attend trial because the government and the angry yellow mob will kill me if I step foot on that country,” be an unjustifiable reason?

I do not think so.
Hence, a “conviction by final judgment” would not have been possible, so we cannot invoke the second ground for disqualification from burial in LNMB.






Naiintindihan ko ang sentimyento ng mga taong ayaw siyang mailibing sa LNMB. Kaso nasa batas yun e. At napagbotohan na rin sa supreme court. Mukhang kailangan nating matutuhan na irespeto ang batas kahit hindi ito ayon sa paniniwala at paninindigan natin.

Parang pagrespeto mo sa pagbayad ng tax. Sino ba naman gustong makaltasan ng pera? Pero wala tayong magagawa dahil batas ito.

Parang pagrespeto mo sa sinehan at hindi pagrerecord ng pelikula gamit ang camera mo o cellphone. Sino ba naman ang gustong hindi umulit manood? Pero wala tayong magagawa dahil batas ito.

Masama man sa loob natin, ay dapat natin itong tanggapin. May karapatan kang ipahayag ang pagtutol mo o pagkadismaya dahil malaya tayong magpahayag ng damdamin at opinyon.

Dalawa ang paraan para maghilom ang sugat. Gamutin o hayaan lang ang oras at panahon ang kusang maghilom.

Nahati sa dalawa ang pinas. Gumaling ang isang panig, nasugatan naman ang isa.

Hanggang kailan ito maghihilom? Walang makakapagsabi.

Hanggang ngayon may galit parin sa mga Espanol, Hapon at Amerikano na humawak sa atin.

Galit na naging poot. Poot na hindi na malimot.

Libong taon? Milyon?

Ang Talinghaga Tungkol sa Lingkod na di-marunong magpatawad.
Lumapit noon si Pedro at nagtanong sa kanya,“Panginoon,
makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot siya ni Jesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito; ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na 10,000,00. Dahil sa siya´y walang ibayad,inutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: “Bigyan pa ninyo ako ng panahon at
babayaran ko sa inyo ang lahat.Naawa sa kanya ang hari kaya pinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.
“Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na 500 sa kanya.
Sinunggaban niya ito at sinakal,sabay wika; ”Magbayad ka ng utang mo! Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya; ”Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita. ”Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito´y makabayad.Nang makita ng kanyang kapwa lingkod ang nangyari, sila´y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari.
Kaya´t ipinatawag siya ng hari, ”Ikaw-napakasama mo!” sabi niya.”Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa Akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring nahabag sa kapwa mo?” At sa galit ng hari, siya´y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang. Gayon din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.”

(MATEO 18:21-35)


Proposed Solution:

Tutal hindi naman pala lahat ng ililibing doon ay bayani at hindi lahat ng bayani ay nakalibing doon, ibalik na lang natin sa pangalang Republic Memorial Cemetery. Para mawala ang pagkalito. O di kaya ay baguhin at pataasin pa ang criteria. Gawin ding mas precise ang kategorya para sa disqualification. Suriin ang mga loopholes sa batas.

Leave a Reply