Moral Story: Ang Tulay

Moral Story: Ang Tulay




May magkapatid noon na naninirahang magkasama sa isang malaking sakahan. Ngunit isang araw, nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. Nagtalo, nagpalitan ng masasakit na salita at hindi sila nagpansinan sa mahabang panahon.

Isang araw, may kumatok sa pinto ng isa sa nakakatandang kapatid.

“Ako po ay isang karpintero at naghahanap po ako ng pwedeng maging trabaho. Baka may gusto po kayong ipagawa, sabihin niyo lang.” pagpapakilala ng karpintero.

“Oo! May gusto akong ipagawa sayo!” Sagot ng panganay na kapatid. “Ang sakahan sa tapat natin ay sa kapatid ko. Noong nakaraang linggo ay naghukay siya para sa daluyan ng tubig pero lumaki ito at nagmukhang ilog. Sigurado akong ginawa niya ito para asarin ako. Gusto kong gawan mo ako ng paraan para hindi ko na makita ang pagmumukha niya.” Patuloy pa niyang kwento.

Sumagot ang karpintero “Alam ko na po ang dapat kong gawin. Ipaubaya niyo po ito sa akin.”

Sinamahan ng nakakantandang kapatid ang karpintero na bumili ng mga materyales gaya ng pako, kahoy at iba pang gamit.

Kinabukasan, pagbalik ng panganay ay nagulat siya sa kanyang nakita. Hindi niya inakala na yun ang gagawin ng karpintero. Isang tulay na napakaganda ng pagkakayari na tinayo sa pagitan ng kanyang lugar at kanyang kapatid. Bigla niyang nakita ang kanyang kapatid na tumatawid sa tulay na nakangiti at binuksan ang mga kamay para sa sumalubong ng yakap.

“Napakabait mo talaga! Sa kabila ng mga kasalanan ko at pagkakamali ko ay tinanggap mo pa rin ako at pinakita mo na mahalaga ang pamilya dahil isang dugo lang ang dumadaloy sa atin.” Sambit ng nakababatang kapatid habang magkayakap sila ng mahigpit.

Tinawag nila ang karpintero at sinabing “Teka! May ipapagawa pa ako sayo! Wag ka muna umalis!”.

Sumagot ang karpintero “Gusto ko po sanang hindi umalis kaso marami pa po akong gagawing tulay.”

Aral:

Wag mo hayaang masira ang relasyon ninyo dahil sa maliit na bagay. Mag-usap kayo at magpatawaran. Tanggapin ninyo ang isa’t isa. Maging mapagpakumbaba. Ikaw ba? Ok ba kayo ng mga kapatid mo? Baka masyado mo na yang pinapatagal at masyado mo na yang dinadamdam. Baka ang galit sa puso mo ay maging poot. May panahon pa naman. Ang kaso, baka walang dumating na karpintero sa buhay mo. Simulan mo na ngayong gumawa ng sariling tulay na gawa sa mga materyales na pag-ibig at pagpapatawad.

-Metaporista

English Version:

The Bridge 

Image source: Tulay na kawayan

Leave a Reply