Moral Story: The Praying Hands

Moral Story: The Praying Hands



Totoong kwento tungkol sa buhay Albrecht Dürer at ng kapatid niyang si Albert

18 silang magkakapatid noon at medyo hikahos sa buhay. Hilig nila ang art at gusto nilang mag-aral noon ngunit dahil medyo kapos, hindi nila kaya mag-aral ng sabay. Nagkasundo ang magkapatid na si Albrecht at Albert na mag toss coin. Ang mananalo siya ang mag-aaral at ang matatalo ay magtratrabaho sa minahan para suportahan ang pag-aaral ng kapatid.

Nanalo si  Albrecht at pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral. Ang mga gawa niya ay mas magaganda pa sa gawa ng kanyang professor kaya naman noong natapos niya ang pag-aaral ay maayos na ang kanyang kalagayang pang financial.

Bumalik siya sa bahay nila at kinausap si Albert. “Albert! Salamat sa pagpapaaral sa akin. Ngayong tapos na ako ay ikaw naman ang mag-aral magpinta at ako ang magpapaaral sayo.”

Napaluha si Albert at sumagot, “Huli na ang lahat Albrecht. Sira na ang aking mga kamay dahil sa aking pagtratrabaho sa minahan. Hindi ko na kayang gumuhit pa ng tuwid at ni hindi ko na kayang itaas ang aking baso para magdiwang. Para sa akin huli na ang lahat.”


At para bigyan pagpupugay ang kanyang kapatid na si Albert, ginuhit niya ang painting na ito na nagpapakita ng mga sirang kamay na nakatutok sa langit. Pinangalanan niya itong “Hands” pero pinalitan ito ng “The Praying Hands”.

Aral:

Walang nabubuhay at nagtatagumpay dahil sa sariling sikap. Laging merong taong nasa likod na sumusuporta. Kapamilya, kaibigan at mahal sa buhay. Huli na rin ba ang lahat para sayo? Nakita mo ba ang kamay ng tatay, nanay, ate at kuya mo? Pasmado at kalyado na rin ba? Baka nakalimutan mong magpasalamat man lang. Hindi pa huli ang lahat.

-Metaporista
—-


 

English Version

The Praying Hands

Image source: The Praying Hands

Leave a Reply