Moral Story: Ang Blankong Papel

Moral Story: Ang Blankong Papel




Isang araw sa klase ng isang teacher ay naglabas siya ng isang malinis na papel at nilagyan niya ito ng malaking tuldok sa gitna.

Sinabi niya sa mga estudyante “Gusto kong tingnan ninyo ito at ilarawan niyo ito sa akin”.

Nahiwagaan sila at halos pare-parehas ang sagot ng mga estudyante.

“Nasa gitna po ang tuldok”

“Itim po ang tuldok”

“Bilog po ang tuldok”

Maya-maya ay tumindig ang teacher sa harap at nagsabi na wag sila mag-alala dahil hindi gregreydan ang kanilang mga sagot.

“Halos lahat kayo ay napansin niyo ang itim na tuldok pero hindi niyo napansin ang puting parte ng papel. Binalewala ninyo at wala ka yang ibang tinutukan at binuhusan ng oras kundi ang itim lang nakita ninyo.” Paliwanag ng teacher.

Aral: 

Sa buhay natin, ganyan din kadalasan ang nangyayari. Nakafocus tayo sa mali ng iba, pero di natin nakikita ang magagandang ginawa nila sa atin. Naaalala ang mga itim na tuldok pero tuluyang kinalimutan ang magandang pinagsamahan. Tingnan natin ang mundo ng patas. Mas masarap mabuhay kapag lalawakan mo ang iyong pag-iisip at pananaw.

 

Metaporista

—-

English Version

A Blank Question Paper

Image credit: blissfulproperty.com

Leave a Reply