Moral Story: Ang Bulag na Bata

Moral Story: Ang Bulag na Bata




May isang batang bulag na galit sa kanyang sarili. Lagi rin siyang malungkot dahil bata pa lamang noong namatay na ang kanyang Ama. Sino nga ba naman ang matutuwa sa ganoong kalagayan?

Kaya mula sa kanyang pagkabata hanggang sa kanyang pagtanda ay lagi siyang inaalagaan ng kanyang nanay at laging pinadarama sa kanya ang pagmamahal. Pero lagi pa rin siyang lugmok sa kanyang kinauupuan.

“Bakit mo pa kasi ako pinanganak! Sana pinalaglag mo na lang ako nung baby pa lang ako!” Sigaw ng bata.

Tumahimik ang nanay at napaupo na lamang ito sa isang tabi na lumuluha.

Kinabukasan ay nakatanggap sila ng magandang balita mula sa doctor. Mayroon daw magdodonate ng mata. Kaya agad silang pumunta sa Hospital para maoperahan.

Pagkalipas ng isang buwan ay nagulat ang bata ng makita niya ang kanyang nanay, naghilom na ang operasyon. 

“Nay? Nay?” Tawag ng bata. “Nay nakakakita na po ako!”

“Buti naman anak. Sana ay sumaya ka na mula ngayon.” Sagot ng nanay.

“Nay harap naman po kayo akin para makita ko po ang hitsura ninyo.”

Dahan-dahan humarap ang nanay at nakasuot ng shades.

“Nay, bakit po kayo naka-shades?! Nay? Huwag niyo sabihing..” Umiyak ang bata.

Sumagot ang nanay “O bakit ka umiiyak? Hindi ba dapat masaya ka na dahil may mga mata ka na?”

“Nay bakit niyo kailangang isakripisyo ang mata ninyo para sa akin?!” Sigaw ng bata.

“Mahal na mahal kita anak! Pero hindi ko kayang gawin yun. May soreyes lang ako kaya ako nakashades. Pag dinonate ko ang mata ko mapapakain pa ba kita at maaalagaan? May ibang nagdonate sa mata mo. Sa kanila ka magpasalamat.”


-Metaporista

Aral: 

Wag masyadong feeling special. Joke lang po. Pakibasa na lang ang english sa baba para sa tunay na version. Hahaha.

English Version

Story of a Blind Love

Image Credit: Photoshelter


One thought on “Moral Story: Ang Bulag na Bata

Leave a Reply