Watch Viral Video: Tanim Droga Sa Ubox ng Motor 

Watch Viral Video: Tanim Droga Sa Ubox ng Motor 




Kumakalat ngayon ang video sa paghuli sa isang driver ng motor. Ayon sa driver, tinaniman daw siya ng droga at naglupasay ito sa pag-iyak .

Panoorin ang video at husgahan kung biktima nga ba siya ng tanim droga.

May motor ka rin ba? Kung totoong tinaniman ito ay mag-ingat ka sa pagpapark kung saan-saan.

Kung sa video ay binubutingting lang ay nabubuksan na, ibig sabihin ay kaya rin nila buksan iyon anytime.

Naalala niyo yung tanim bala? Frame-up. Tapos sisikilin ka para magbigay ka ng pera. Mukhang nagbabalik nanaman pero shabu naman ang tinatanim nila.

Maging matalino po tayo at alamin ang karapatan.

  • Tumawag ng abugado kung kailangan
  • Maghanap kung may cctv
  • Videohan ang iyong ubox bago isara
  • Lagyan ng lock o kadena ang upuan para di maingat ang ubox basta-basta at tiyaking blocked ang pasukan ng susi na di mapapasukan ng mga pangbutingting

E paano naman kung sa kabilang side mo titingnan at sasabihin mong malinis ang alagad ng batas at talagang gumagamit ng droga yung driver ng motor at nagpapanggap lang ito na inosente siya?
Ang downside ng video na ito ay sasabihin ng mga totoong drug user at pusher na mahuhuli na planted lang ang droga na nahuli sa kanila. Idadahilan nila iyon para makalusot.

Mind games na ang labanan ngayon dahil sa crack down ng droga. Survival of the fittest dahil yung mga pusher ay nawalan o humina na ang pinagkakakitaan.

Kung sayo mangyari ito, ano ang gagawin mo?
-metaporista

Leave a Reply