GMA NEWS Humingi ng Tawad sa Personal Post

GMA NEWS Humingi ng Tawad sa Personal Post




Malamang naman ay nakita niyo yung kumalat na post ng GMA News sa facebook page nila (binura na nila pero may screenshot)


Ok. Wala raw kinikilingan at serbisyong totoo lang.

Pinost nila ang balitang ‘Tensions rise between Leni critics, media during presscon” tapos 8 mins after, akala ng staff ay nakalog-out na siya sa GMA page at kaya nagpost sa kanyang personal page kaso hindi pala siya nakalog-in sa personal account niya kaya lumabas ito as post ng GMA News.

May nagsasabi na gawa-gawa lang daw ito at photoshop lang yung picture sa taas.

Pero nagsorry na sila at inamin talaga nila na ganun nga ang nangyari.


Click niyo dito para makita yung mismong post

—-

Dalawang bagay:

1) para di na maulit yung pagkakamali, gumawa ng checklist o tick box bago magpost. (Dahil bigtime sila)

-Grammar checked?

-Right picture attached?

-Logged-in as GMA News?

-etc etc

At pag tick lahat na oo ay tsaka lang ipopost.
2) pangalawa – obvious na makadilaw yung nagpost which is hindi naman problema dahil may sarili namang opinion at pananaw ang bawat tao at ang mali lang niya ay hindi siya nakapag-log out. At sa mga humihiling na matanggal siya sa trabaho ay medyo mag-isip isip po kayo dahil 1 pamilya nanaman ang mawawalan ng maaasahan. Lahat naman tayo nagkakamali sa trabaho paminsan-minsan pero di naman tayo agad tinatanggal (maliban lang sa kakaibang sirkumtansya). Wag masyadong maging alimasag at yakapin natin ang pagkaka-iba natin ng pananaw. Dilaw sila, pula ka. E ano naman? 

Ang dapat lang na gawin at malaman ng mga tao ay sa likod ng mga post sa social media at maging sa pahayagan ay may mga taong may sariling agenda kaya wag agad maniniwala sa mga mababasa kundi suriin muna kung totoo. 

May mga page na malinaw kung ano ang political stand nila. 

Maka-Duterte

-Crabbler

-Mocha Uson Page

-For the Mother land

——

Mga Maka-Dilaw

-Mochang Tanga Blog Page

-Thinking Class of the Philippines

-Juan Nationalist

——–

Pero meron din mga page na dapat ay “walang kinikilingan” at yun ay ang mga malalaking network gaya ng GMA at ABS-CBN. Ang problema, malinaw na malinaw na meron silang kinikilingan.

-GMA, ABS-CBN, Rappler, Inquirer
Sa basketball, yung kumokontrol ng rebound ay siyang kumokontrol ng game.

Sa pulitika, yung kumokontrol ng media ay siyang kumokontrol ng isip ng tao. Mind conditioning.

Pag gising ng isang pinoy, kape at pandesal, kuha ng remote bukas ng TV at dahil majority ng mga pinoy ay walang cable at walang national geographic channel o discovery channel ay rekta na agad sila ABS-CBN o GMA. Kung hindi ka aware, hindi mo malalaman na unti-unti na palang na kokondisyon ang utak mo.

Pero gaya nga ng sabi ko, dahil malaya tayo, malaya rin silang ibalita kung ano man ang gusto nila. Dapat lang maging mapagmasid.

Yung maling post ng GMA staff sa FB page nila ay hindi nagrerepresent ng buong kompanya nila. Meron din diyang patas. Mas napapansin ka lang talaga pag may dumi ka sa mukha.

Paano maging patas?

1) kada kita mo ng mali sa kasalukuyang administrasyon ay maghanap ka naman ng mabuting ginawa nila..

2) kada kita mo ng mabuting ginawa nila ay maghanap ka ng masamang ginawa nila..

3) Alamin mo kung totoo ba ang balita? Kung hindi ka sigurado, wag mong ipakalat o ishare.

4) Acceptance – kung ok naman talaga ang ginawa nila, matuwa ka dahil kapakanan yun ng buong Pilipinas. Kung mali, tanggapin mo rin na mali.

Sa susunod na may makikita kang post, tanungin mo ang sarili mo, solid dilawan ba ito? O baka patas naman talaga siya?

Leave a Reply