Retoke at Ang Mapanghusgang Lipunan

Retoke at Ang Mapanghusgang Lipunan



Di ako makapagpigil na magsulat dahil sa kabi-kabilang mga komento at argumento na hindi makatarungan tungkol sa retoke.

Sa mga nakakaunawa, maraming salamat sa bukas na isip. Sa mga hindi, salamat din dahil nakapagsulat ulit ako dahil sa inyo.

May kalayaan ang lahat na baguhin ang anyo kung mayroon ka naman sapat na pera. Masyadong maraming nanghuhusga kay Marlou Arizala at kung ano-anong tawag sa kanya. Nandyan yung “Marlou Retokado”, “Pekeng Marlou” at kung anu-ano pa.

Alam naman natin na maraming artista, singer at dancer ang dumaan sa mga pagpapa-enhance o pagsasaayos ng kanilang itsura. Una kailangan iyon sa kanilang trabaho at pangalawa, kailangan nila yun para masatisfy ang kanilang kagustuhan.

Maraming nanghuhusga at sila yung mga tao na hindi alam na sila o ang kamag-anak nila mismo ay dumaan din sa pagpaparetoke. Hindi nga lang diretsahan. 

 

  1. Kung nakapustiso ka at ang nanay mo, retokada din kayo. Retoke ang ngiti niyo sa pamamagitan ng pekeng porselanang ngipin
  2. Kung may kuya o ate kang nagpabrace, retokado din sila. Retoke din ang ngiti nila dahil sa braces.
  3. Kung nag-glugluta o gumagamit ng papaya soap ang girlfriend mo ay retokada rin siya dahil retoke lang kanyang kaputian.
  4. Kung umiinom ka ng pampapayat at pampatunaw ng taba, enhancement din iyon. Retoke rin ang bilang ng bilbil mo at bilang ng palapag ng iyong baba at batok.
  5. Kung umiinom ka ng viagra o pills, retoke din iyon ng kondisyon ng iyong katawan.
  6. Kung nagpalaser ka ng mata, retoke iyon ng iyong paningin.
  7. Kung nagpaplantsa ka ng buhok o nagpaparebond para matago ang mabuhaghag at sabog mong buhok, retoke rin yun.

Bakit? Dahil hindi naman natural iyon at kinailangan mo ng tulong ng ibang tao o gamot para maabot yung gusto mo mangyari. Kung nagpapakulay ka ng kuko o buhok, binabago mo rin ang sarili mo. Kung nagpapalaser ka ng buhok o nagpapawax ng buhok sa maselang parte ng katawan mo ay pagpapaenhance din iyon. Pero bakit hindi sila kinukutya ng tao? Sa mukha lang ba applicable ang pagpaparetoke? Pagkainis ba ito o pagkainggit? Bakit hindi ka masaya na sumasaya ang iba?

Kung wala kang pina-enhance aba’y suwerte ka at dapat mo iyang ipagpasalamat. Oo dapat mong ipagpasalamat pero hindi mo dapat ipagmayabang at gawing dahilan para tawanan ang iba.

Maraming naaaksidente sa motor o basketball ang sumasabog ang mukha at kinakailangan tahiin o ibalik sa dati ang itsura. Hindi nila ginusto iyon pero pipigilan mo ba silang ipaayos iyon?

Talangka ang karamihan ng mga pinoy at isa iyon sa dahilan kung bakit nakakahiya maging pilipino.

 

 

retoke michael jackson

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Gusto mo makita ang listahan ng mga sikat na taong nagparetoke? Click mo to

 

image source: Kayelangit-luistro

Leave a Reply