Pangulong Duterte ‘Hands Off’ na sa kampanya laban Sa Droga

Pangulong Duterte ‘Hands Off’ na sa kampanya laban Sa Droga

Panoorin ang video tungkol sa pagsasabing ‘hands off’ na siya kampanya sa droga at ipapaubaya na lang sa PDEA ang laban.

Ang dahilan, dahil sa kabi-kabilang bintang ng EJK o extra-judicial killing.


Balik operasyon nanaman ang mga user, pusher at drug lords dahil hindi na makikialam ang mga pulis at militar sa anumang operasyon kontra droga. Kung PDEA lang ang kikilos, tatakas at lulusot ang karamihan ng mga user at pusher sa buong bansa.

Bukas, matatakot ka nanaman maglakad sa kalsada pauwi galing sa school at trabaho.
Bukas, hindi nanaman makakatulog ang nanay mo kakahintay sayo na makauwi kang ligtas.
Bukas, bagsak presyo nanaman ang droga at imbis na magparehab ay balik na lang ulit sila sa dati.
Bukas, maraming pisngi nanaman ang lulubog at libong balat nanaman ang matutuyo.

pero…

Bukas, hindi pa rin titigil ang patayan. Kelan ba tumigil ang patayan ng mga kapwa drug cartel na nag-aagawan sa teritoryo? Kelan ba tumigil magpapatay ang mga drug lords para hindi sila mabuko? Pinapatahimik ng mga malalaking supplier ang mga kumukuha sa kanila na small time pusher para di sila mabisto. Papatahimikin ng mga pusher ang mga user para di sila maituro.


Hindi maganda at hindi dapat ginagawa ang EJK. Pero may sitwasyong pinuputukan na ang mga pulis pabalik at durugistang handang makipagpatayan. Hindi mo mahuhuli ang iba gamit ang posas at batuta, tiyak may isang pamilya ng pulis ang mawawalan ng Ama ng sambahayan. Ang mga pulis na lumabag at umabuso ay iniimbistigahan at pinapatawan ng parusa.

Giyera sa Marawi? drug related. May napatay na mga pulis at sundalo sa giyerang iyon. May terorista at inosenteng humandusay sa kalsada. Kasalanan ba iyon ng ating mga pulis at sundalo? o kasalanan iyon ng drogang prinoprotektahan ng mga terorista.

Hindi ordinaryo ang laban kontra droga sa Pilipinas. Ibang-iba ang level ng mga drug cartel sa Pilipinas. Protektado ng mga pulitiko at malalaking tao sa lipunan. Kumbaga sa cancer, last stage na tayo at pag hindi pa maaagapan ngayong panahon ni Duterte, patay na. Wala ng balikan pa. Tuluyan ng lugmok ang Pinas.
Isipin niyo, sino pang pangulo ang may mas bayag kesa kay Duterte. magbilang kayo ng 3 dekada bago magkaroon ng presidente na lantarang lalaban sa giyera. Pero dahil huli na ang lahat, kahit lumaban ka pa after 30 years ay wala ka na magagawa pa.


Pero totoo nga bang ‘hands off’ na siya o isang taktika lang ang lahat para magbalik operasyon ang mga nagtago at mas madali silang mahuli? O isang paraan lang ba ito para marealise ng mga tao na ang pagpapabagsak kay Duterte ay redemption day ng mga durugista, corrupt at mga tax evaders.

Tatlo lang ang masasabi ko.

RIP Pilipinas.
Paalam pag-asa.
Welcome back at congrats drugs.

Leave a Reply