Secret

Mahilig tayo magtago ng secret. Likas na sa tao yun. Mahilig tayong maghanap ng secret ng iba. Likas din sa tao yun. Pero ano nga ba ang sikretong pinaka-gusto malaman ng tao?

Guminhawa sa buhay? Gumanda? Bumata? Kapangyarihan?

Alam ko na ang pipiliin mo.

Kaya ituturo ko na ang sikreto kung paano guminhawa sa buhay.

Hindi ko matuturo kung paano ng yumaman dahil hindi ko pa nararating yun. Pero ang alam ko, bago natin marating ang pagyaman, giginhawa muna ang ating pamumuhay.

At dahil alam kong mahabang usapin ito, kailangan kong hatiin ang isusulat ko sa maraming bahagi. Kaya i-click lang ang mga link sa baba para mabasa ang gusto mo lang malaman. Pero kung ako sayo, basahin mo ayon sa pagkasunod-sunod. Wag kang mag-alala. Hindi ito networking at hindi rin ito scam. Prinsipyo lang ituturo ko. Prinsipyo mula sa lahat ng natutunan ko sa tatay ko, sa mga librong nabasa ko at mga karanasan ko sa buhay.

Ilalagay ang link sa naka-indicate na petsa.

  1. Epekto ng Edukasyon 
  2. Tamang paraan ng pag-iipon 
  3. Tamang pag-iingat ng ipon 
  4. Pagiging masunurin
  5. Epekto ng paniniwala at pamumuhay 
  6. Palaguin ang ipon 
    • Sikreto 106: Anu-ano ang paraan para mapalago mo ang ipon mo?

  7. Epekto ng pakikitungo sa tao
    • Sikreto 107: Paano makakatulong ang tamang pakikitungo sa kapwa?

  8. Sikreto 108: Limang libro na dapat mong mabasa ASAP 

    • Ito ang limang libro na dapat mabasa ng mga taong ayaw nang maipasa sa susunod nilang lahi ang kahirapan na kinamulatan. Ito ang mga libro na magbabago ng buhay mo TOTALLY. Makikita mo na nasayang ang mga panahon mo at tyansa para makatikim ng ginhawa pero makikita mo rin na may tyansa pa para makabawi at makatikim nang sarap ng buhay. Ito ang mga libro na ipapabasa ko sa aking ka-apu-apohan para makatakas din sila sa kahirapan. Sasabihin ko kung ano ang 5 librong ito at dahilan kung bakit kailangan mo itong mabasa.

Sikreto itong page na ito. Para lang ito sa magiging anak ko at magiging apo. Pero dahil nagawi ka dito, salamat. Ituloy mo lang ang pagbabasa at gulatin ang mga taong nangmaliit at mga hindi nagtiwala sayo. Hayaan mong ang tagumpay mo ang kumalabit sa kanila para lingunin ka. I-share mo lang ito sa mga taong naghahanap ng paraan para guminhawa sa buhay. Kung hindi ka sang-ayon, wala akong magagawa.

Tandaan:

Hindi lahat ng tao ay maging doktor. Dapat ang iba ay magsasaka para may makain tayo. Hindi rin pwedeng lahat ay magsasaka dahil walang manggagamot sa atin.

Hindi ito pagdadamot. Simple lang: kahit sabihin mo sa mangingisda ang sikreto para madoble ang ani ng bigas ay hindi niya rin ito mapapakinabangan dahil magkaiba kayo ng mundong ginagalawan. Kahit ibigay mo sa tao ang sikreto ng pagtatagumpay, kung wala naman siyang balak na magtagumpay, mauuwi rin sa wala ang lahat.